Kulang Sa Pagkakataon

Rey Valera

Compositor: Rey Valera, Danny Favis

Tulad ng awit na 'di pa napapanahon
Ang ating pag-ibig ay kulang sa pagkakataon, hmm-hmm
Sana'y mapatunayan ko sa 'yo
Ang aking pag-ibig, ngunit paano ba ito

'Di ka mahagilap tuwing kailangan ka
Kulang ang oras tuwina 'pag kasama ka, hmm-hmm
Minsan pag 'di ka napagkikita
Ako'y nagdududa kung ako'y mahal mo pa

Bakit ba gano'n, napakadamot ng panahon?
Ang hirap pala ang kulang sa pagkakataon

Sana'y mapatunayan ko sa 'yo
Ang aking pag-ibig, ngunit paano ba ito

'Di ka mahagilap tuwing kailangan ka
Kulang ang oras tuwina 'pag kasama ka, hmm-hmm
Minsan pag 'di ka napagkikita
Ako'y nagdududa kung ako'y mahal mo pa

Bakit ba gano'n, napakadamot ng panahon?
Ang hirap pala ang kulang sa pagkakataon

©2003- 2026 lyrics.com.br · Aviso Legal · Política de Privacidade · Fale Conosco desenvolvido por Studio Sol Comunicação Digital