Ngayong Kapiling Kita

Rey Valera

Compositor: Rey Valera, Penn Santiago

Ngayong kapiling na kita
Pusong nilayo ng pagkakataon
Kay tagal kang pinagkait sa 'kin ng panahon
Tapos na rin sana ang paghihintay

Ngayong kapiling na kita, ah
Ang bawat sandali'y dinadama
Ang iyong ngiti, ang tinig mong nanghahalik
Akala ko'y 'di ka na magbabalik

At ngayon kapiling na kita
Sana'y hindi ka na mawalay pa
'Pagkat nasa 'yo simula ng bukas ko
Salamat, kapiling na muli kita

Ngayong kapiling na kita
Maaari bang 'wag nang lumisan pa?
Kung alam mo lang ang hirap ng naghihintay
Sa akin ang sandali'y walang wakas

At ngayon kapiling na kita
Sana'y hindi ka na mawalay pa
'Pagkat nasa 'yo simula ng bukas ko
Salamat, kapiling na muli kita

Salamat, kapiling na muli kita

©2003- 2026 lyrics.com.br · Aviso Legal · Política de Privacidade · Fale Conosco desenvolvido por Studio Sol Comunicação Digital